GMA Logo LJ Reyes Summer Ayana and Ethan Akio
Celebrity Life

LJ Reyes celebrates Christmas in New York with her kids Summer and Aki

By Aimee Anoc
Published December 26, 2021 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes Summer Ayana and Ethan Akio


"Celebrating God's love today in the fanciest way." - LJ Reyes

Masayang ibinahagi ni LJ Reyes ang kaniyang naging Pasko sa New York kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana.

Sa Instagram, makikitang magkakasamang naglalaro ng baraha sina LJ, Summer at Aki. Aniya, "Celebrating God's love today in the fanciest way-- having a grateful heart. Merry Christmas."

Dagdag niya, "Summer on second photo -- us when we realize it's the second Christmas we're in pandemic."

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Lumipad papuntang U.S. si LJ kasama ang dalawang anak matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis.

Sa ngayon, tumutulong si LJ sa coffee shop ng kanyang pamilya sa Brooklyn at aktibo rin bilang endorser at modelo.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang masasayang sandali ni LJ Reyes kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer: