Celebrity Life

Rich Asuncion shares highlights of her life in Australia

By Aimee Anoc

Sa kabila ng hirap na dala ng pandemya, umaapaw pa rin ang pasasalamat ni Rich Asuncion sa mga nangyari sa kanyang buhay noong 2021.

"It was a tough 2021 for most of us but despite all the hurdles, what matters is we come out better and stronger," pagbabahagi ni Rich.

Dagdag niya, "I choose to celebrate every win, every learning from the past's struggles and everything in between."

Ayon sa celebrity mom, piliin pa rin nating pahalagahan ang ating sarili at mga taong nasa paligid natin.

Sa Instagram post, isa-isa ring ipinakita ni Rich ang mahahalagang pangyayari sa kanyang pamilya noong 2021.

Una na rito ang katuparan ng kanilang pangarap na makabili ng bahay sa Australia. Sa taong ding ito, masayang ibinalita ni Rich ang pagkakaroon niya ng panibagong baby girl.

Napasama rin ang pamilya ni Rich sa isang commercial sa Australia. Para sa kanya, espesyal ito dahil kasama niya ang three-year-old na anak na si Bela Brie at muli siyang nakabalik sa harap ng kamera.

Dagdag pa rito, masayang ibinahagi ni Rich na nakakuha na siya ng driver's license sa Australia at natapos na ng asawang si Benj Mudie ang masters degree nito.

Ikinasal sina Rich at Benj noong 2018 at lumipat sa Australia noong 2020.

Nakilala si Rich sa showbiz matapos na sumali sa StarStruck: The Next Level noong 2006. Naging first runner up din siya sa Binibining Pilipinas noong 2009.

Napanood si Rich sa ilang GMA series tulad ng Ika-6 na Utos, The Millionaire's Wife, Wish I May, My Faithful Husband, at Sinungaling Mong Puso.

Samantala, tingnan ang magandang buhay nina Rich Asuncion at Benj Mudie sa Australia sa gallery na ito: