Celebrity Life

Joyce Ching, masaya ang buhay-may asawa, wala pang plano magka-baby

By Jansen Ramos

"Masaya ang buhay-may asawa."

Ganyan inilarawan ni Joyce Ching ang samahan nila ng non-showbiz husband niyang si Kevin Alimon.

Two years na silang kasal at makikita sa kani-kanilang social media ang kanilang mga bonding nila bilang married couple.

Parehong devout Christian ang dalawa at nakatulong din ang pananatili nilang magkasama sa bahay ngayong pandemya para maka-develop sila ng deeper bond.

Sa katunayan, hindi naging problema ang pagpasok ni Joyce sa lock-in taping para sa show niyang I Can See You: AlterNate. Tumagal ng 30 days ang produksyon ng programa na nagsimula noong November 2021 hanggang December 2021 sa isang resort sa Laguna.

Kwento ng aktres sa virtual media conference ng primetime series noong January 3, "Hinahayaan niya pa rin akong gawin kung ano man ang gusto kong gawin and, with regards sa lock-in, parang kinailangan lang din namin i-mentally prepare 'yung mga sarili namin actually 'di lang siya, pati rin ako.

"Kailangan kong i-preprare 'yung sarili ko kasi nga 30 days is parang no joke, very blessed lang po ako na 'yung mga kasama ko sa show, 'yung maga staff, mga producers namin, mga artista namin, lahat mababait, lahat ang magaan katrabaho, masayang katrabaho.

"So, 'yung feeling na naiwan mo 'yung husband o 'yung pamilya mo at home, nagkaroon naman ng bagong pamilya set so 'yung pakiramdam mo, hindi ka rin naman nahiwalay do'n sa family mo."

Hindi rin naging hadlang ang kanilang distansya dahil continuous ang kanilang komunikasyon habang nasa taping bubble si Joyce.

"'Yung husband ko naman is very supportive kahit mahirap 'yung signal namin do'n sa location namin talagang he makes it a point na talagang tatawag siya, magte-text siya or magme-message siya just to encourage me.

"May times do'n sa lock-in na parang nababaliw na 'ko, parang ang lungkot-lungkot na gusto ko na umuwi ganyan. So, siya talaga 'yung number one na nag-e-encourage sa 'kin na, 'Okay lang 'yan, na malapit nang matapos, kaya mo yan.' "o very happy ako na meron akong person na nagsusuporta sa akin."

Ngayong tapos na si Joyce sa taping ng I Can See You: AlterNate, handa na kaya nilang pagtuunan ng kanyang mister ang pagkakaroon ng baby?

Sagot niya, "'Yung pagbe-baby, parang medyo wala pa siya sa picture or wala pa siya sa plano ngayon kasi nga since 2019 kami kinasal and then 2020 nagkaroon ng lockdown, wala rin kaming na-experience outside the home, parang after namin ikasal, na-lock in lang kami sa bahay 'tapos di na kami nakapag-travel.

"Parang gusto pa namin i-enjoy 'yung buhay mag-asawa na kaming dalawa lang but if ibigay ni Lord or magkaroon naman ng baby, anytime tatanggapin naman namin 'yun wholeheartedly."

Ikinasal sina Joyce at Kevin sa isang Christian ceremony noong December 2019 sa Baguio.

Ilan sa mga dumalo sa kanilang kasal si Dingdong Dantes, na isa sa mga principal sponsor nila.

Ngayon, magkasama sina Joyce at ninong niyang si Dingdong sa I Can See You: AlterNate, kung saan gumaganap silang magkapatid.