
Ipinagdiriwang ngayong araw (January 31) nina Mark Herras at Nicole Donesa ang first birthday ng kanilang anak na si Mark Fernando o Baby Corky.
Kasalukuyang nasa lock-in taping si Mark para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 kaya idinaan niya na lamang muna sa isang video na may sweet caption ang pagbati sa kanyang anak.
Sa video na ipinost ni Mark sa Instagram, makikita ang ilang throwback photos ni Baby Corky mula nang siya ay nasa sinapupunan pa lamang ni Nicole hanggang sa siya magsimula nang gumapang.
"Happy 1st birthday anak!! Sorry wala si daddy nasa work, pero alam mo naman na para sa inyo ni mammeeh ito," caption ni Mark sa kanyang post.
Nagpapasalamat daw si Mark sa pagdating ni Corky sa kanilang buhay ng asawang si Nicole.
Aniya, "Syempre nagpapasalamat ako sa panginoon dahil dumating ka samin ni itchy! We love you so much Corky wala na kaming pwedeng hilingin pa."
Dagdag pa niya, "Happy birthday Corkyboy lage mong tatandaan nandito kami lagi ni mammeeh para sayo kahit anong mangyari! Love you nak!! #Corkyboy #1stbirthday #MarkFernandoDonesaHerras."
Nagbigay rin ng pagbati kay Corky ang ilang kaibigan ni mark sa showbiz gaya nina EA Guzman at Arron Villaflor.
Source: herrasmarkangeloofficial (Instagram)
Kamakailan ay ibinahagi rin ni Mark ang labis niyang pag-aalala kay Corky nang mahawaan ito ng COVID-19 na agad ding naka-recover matapos ang isang linggo na quarantine.