Celebrity Life

Slater Young and Kryz Uy's son Scottie enjoys Balut

By Aimee Anoc

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang one-year-old son nina Slater Young at Kryz Uy na si Scottie sa pagkain nito ng Balut, isang fertilized duck egg.

Sa Instagram post ni Kryz, mapapanood ang video ni Scottie na enjoy na enjoy sa pagkain ng Balut. Ito rin ang unang beses na pinakain ni Slater ng Balut ang anak.

Sa video, unang makikitang nakatayo si Scottie sa harap ng ama at iniiyakan ang Balut, ito ay bago pa man ipakita ng mag-asawa kung paano nalaman ng anak ang tungkol sa exotic na pagkaing Pinoy na ito.

A post shared by Kryz (@kryzzzie)

Nag-iwan din ng komento si Slater sa post na ito ni Kryz, "Proud daddy."

Mayroon na ngayong mahigit 127,000 views ang nakatutuwang video na ito ni Scottie.

Samantala, tingnan ang cutest photos ng anak nina Slater Young at Kryz Uy na si Scottie sa gallery na ito: