
Isang blooming expectant mom ang singer at aktres na si Angeline Quinto sa idinaos na baby shower kamakailan para sa kanyang pagdadalang-tao. Ito ay inihanda ng kanyang pamilya at mga kaibigan kasama ang kanyang partner.
Pinuno ng makukulay na lobo at stuffed toys ang venue na dinaluhan ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ni Angeline.
Sa Instagram, ipinost ni Angeline ang ilang mga larawan mula sa naganap na baby shower. Makikita rin dito ang larawan kung saan kasama niya kanyang partner na noong una ay ayaw niyang ipakita sa publiko.
Nagpasalamat din ang singer-actress, sa lahat ng nakatulong niya upang maging posible ang selebrasyon na ito bilang maagang pagsalubong sa kanyang anak.
Aniya, "Thank you very much sa napaka husay naming event stylist @garydacanay_eventstylist dahil mas naging memorable para sa amin at sa lahat ng dumalo ng baby shower. Napakaganda talaga ng kinalabasan ng event at mas lalo kaming na excite na dumating si Baby."
Isang baby boy ang ipinagbubuntis ni Angeline at nakatakda niya itong isilang sa darating na buwan ng Abril 2022.
Samantala, silipin naman ng mga larawan ng iba pang celebrity expectant moms sa gallery na ito: