Celebrity Life

Glaiza De Castro, iiwan na ba ang showbiz kapag nagka-baby na?

By Jansen Ramos

Wala raw munang plano magka-baby sina Glaiza De Castro at David Rianey, ayon sa panayam ng entertainment press sa aktres nang ma-spot-an ang mag-asawa sa Film Ambassadors' Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Manila Metropolitan Theater noong February 27.

“Gusto ko munang i-enjoy 'yung time namin together kasi medyo ang tagal naming apart, long distance. We want to travel more, gusto pa naming gumala. So, medyo matagal-tagal pa,” bahagi ni Glaiza.

Napag-uusapan naman daw nila ng mister niyang Irish ang pagbuo ng pamilya na isang seryosong bagay na dapat pag-isipang mabuti.

"Kahit 'yung nanay ko tinatanong ako kung kailan. Wait muna. Medyo malaki-laking desisyon yun…

“Nakita ko sa mga sister ko, nakita ko sa sister ni David, na once you have a baby, or babies, ganyan, medyo ibibigay mo talaga, 100 percent.

“Hindi naman medyo. 100 percent, ibibigay mo 'yung time mo for them, and they will be your priority.”

Dalawa lang daw ang gusto nilang maging supling--isang lalaki at isang babae--gaya ni David na may kakambal na babae.

“Sa side namin, meron ding twin.

“So, baka ako na ang next generation na magkaroon ng twin.”

Ayon sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com kay Glaiza, aware siya na maraming magbabago kapag siya ay magiging nanay na.

Pero paglilinaw ng False Positive actress, hindi niya isasarado ang kanyang pintuan sa pag-arte.

"Para sa'kin hindi mawawala 'yung urge ko to work so kahit na sabihin natin mag-migrate ako do'n (Ireland), hahanap at hahanap ako ng paraan para umarte o para mag-produce.

"So I would say na kahit magkaroon na 'ko ng pamilya, andon pa rin 'yung urge ko to act at hindi mawawala 'yon.

"Siyempre magbabago 'yung sistema, 'yung routine. Magbabago 'yung priorities pero I wouldn't say na handa akong talikuran lahat kasi nagkaintindihan na kami ni David do'n na nasa dugo ko 'yung magtrabaho."

Ikinasal sina Glaiza at David sa isang traditional Irish wedding sa Northern Ireland noong October 2021 matapos ang tatlong taong relasyon.

Tingnan dito ang ilan nilang larawan mula sa kanilang pag-iisang dibdib abroad: