GMA Logo Team Dantes
Celebrity Life

Holy Week vacation ng Team Dantes, silipin!

By Marah Ruiz
Published April 15, 2022 11:57 AM PHT
Updated April 15, 2022 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Team Dantes


Nagbigay si Marian Rivera ng pasilip sa bakasyon ng kanyang pamilya ngayong Holy Week.

Naisingit nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at maybahay niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanilang busy schedules ang bakasyon ngayon Holy Week.

Siyempre, kasama nila ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Marian ang adorable picture nila ni Ziggy habang naka sakay sa isang maliit na yate.

Marian Rivera and Ziggy Dantes


Ipinakita rin niya ang view nila mula dito.

Island hopping


Excited naman si Zia sa bakasyon at napa-cartwheel pa sa beach!

Zia Dantes


Siyempre, nag-bonding din silang mag-ina.

Zia Dantes and Marian Rivera


Hindi naman kumpleto ang kanilang family time kung hindi kasama ang padre de pamilya na chill lang sa kanyang summer OOTD.

Dingdong Dantes


Samantala, magbabalik-tambalan sina Marian at Dingdong sa upcoming sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.

May inihanda rin silang Mother's Day special na kinunan sa Israel, na mapapanood sa May 7. Si Dingdong pa mismo ang nag-direct nito at iikot ito sa motherhood journey ni Marian.

Bukod dito, nakatakda rin na mag-guest si Marian sa top-rating gameshow ni Dingdong na Family Feud, bagay na request daw mismo ng kanyang mister.

Samantala, silipin ang ibang quality time spent ng Team Dantes sa gallery na ito: