GMA Logo Dingdong Dantes at Marian Rivera
What's Hot

Dingdong Dantes at Marian Rivera, may inihandang Mother's Day Special para sa mga Kapuso

By EJ Chua
Published April 15, 2022 11:10 AM PHT
Updated April 18, 2022 2:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes at Marian Rivera


Documentary na ginawa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Israel, malapit nang mapanood sa GMA!

Ilang linggo na lang at mapapanood na ang Mother's Day Special na ginawa ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

December 2021 nang samahan ni Dingdong si Marian sa Israel para sa 70th edition ng Miss Universe pageant.

Bukod sa duties ng Kapuso actress bilang isa sa mga hurado ng naturang beauty pageant, isa pang bagay ang pinagtuunan niya ng pansin habang nasa ibang bansa.

Isang documentary kasi ang idinirek ni Dingdong habang ang kanyang asawa naman na si Marian ang nagsilbing host nito.

Sa naging panayam ng 24 Oras sa Kapuso actor, masaya niyang ibinahagi ang mga dapat abangan ng mga Kapuso sa inihanda nilang Mother's Day Special.

Kuwento ni Dingdong, “Itong journey niya bilang isang nanay ay makakakilala siya ng isang nanay din na kapareho niya. Dito magi-intersect 'yung kanilang mga kuwento at kanilang buhay. So, ito 'yung aabangan nila, kung ano 'yung magiging ending, ano 'yung mga natutunan nila, at ano 'yung mga bagong pangarap nila sa buhay pagkatapos nung realizations nila sa pagtatagpo nila sa Israel.”

Itatampok din sa documentary na ito ang mga nakaaantig na kuwento ng ilang ina na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel.

Sa darating na May 7, mapapanood na sa GMA ang Mother's Day Special na lubos na pinaghandaan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Samantala, tingnan ang mga larawan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang papuntang Israel sa gallery na ito: