Celebrity Life

Rich Asuncion's eldest daughter Bela Brie finally meets her baby sister Alessandra

By Aimee Anoc

Masayang ibinahagi ni Rich Asuncion-Mudie ang reaksyon ng panganay na anak na si Bela Brie nang makita sa unang pagkakataon ang baby sister niyang si Alessandra, na ipinanganak ng noong April 28.

Sa Instagram, mapapanood na matapos na bigyan ng halik ni Bela ang kapatid, nagtatakang tanong nito kay Rich, "Where'd you get that?"

Agad namang sinagot ng celebrity mom ang tanong ni Bela, "In my tummy."

A post shared by Rich Asuncion-Mudie (@richasuncionmudie)

Ipinakita rin ni Rich ang mga larawan ni Bela habang karga at hinahawakan si Alessandra.

"My precious girls. So far, so good!" sulat ni Rich sa kanyang post.

Ilan sa celebrities na nagpaabot ng pagbati kay Rich ay sina Diana Zubiri, Sitti Navarro-Ramirez, Sheena Halili, Maricris Garcia-Cruz, at Glaiza De Castro.

Ikinasal sina Rich at Benj Mudie sa Hong Kong noong May 28, 2018. At ipinanganak ang panganay nilang si Bela Brie noong December 2018.

Samantala, tingnan ang masayang buhay ng pamilya ni Rich Asuncion sa Australia sa gallery na ito: