Celebrity Life

Dream house nina Arny Ross at Franklin Banogon, napabasbasan na

By EJ Chua

Masayang ibinahagi ng Bubble Gang babe na si Arny Ross at ng kanyang asawa na si Franklin Banogon na napabasbasan na ang kanilang dream house.

Makikita sa Instagram post ni Arny ang ilang larawan sa naganap na house blessing.

Sulat ng Kapuso comedienne, “Ang bilis ng panahon, House Blessing na tayo ngayon Bhab. Grabe, Thank you Lord. I just want to celebrate this day and thank you my hubby @franklinbanogon for everything! After niya ko i-surprise ng bahay na 'to last year for my birthday, (vlog on Franky's Youtube) mahabang journey pa sa pag paplano, daming adjustments, dami pa naming binago at dinagdag, laging pinagdarasal na sana kayanin namin hanggang matapos namin ang bahay na 'to!”

Dagdag pa niya, “Ngayon totoo na, dati design lang ang hawak namin, ngayon nakatira na kami sa dating pinangarap lang namin! Lahat pinaghirapan at pinagtulungan! Napakaganda ng binigay mong bahay, Lord! Thank you Lord for our 'Home Sweet Home' [heart emoji]. Galing po Sa inyo ito, aalagaan namin at bubuo ng masayang pamilya rito!”

Noong July 2021, matatandaang isang surprise birthday gift ang natanggap ni Arny mula sa kaniyang longtime partner.

Ito ay ang lupa na kinatatayuan na ngayon ng kanilang bahay.

Bukod sa kanilang dream house, isang blessing pa ang inaabangan ng mag-asawa, ito ay ang kanilang soon-to-be baby boy.

November 2019 nang ayain ni Franklin ang aktres na magpakasal at naganap naman ang kanilang pag-iisang dibdib makalipas ang halos dalawang taon.

Congratulations, Arny and Franklin!

Samantala, tingnan ang wedding photos nina Arny Ross at Franklin Banogon sa gallery na ito: