Celebrity Life

'That's Entertainment' star Ana Roces, may mensahe para sa anak na si Carmela na college-bound na

By Aedrianne Acar

Walang pagsidlan ng tuwa ang '90s sweetheart at dating That's Entertainment star na si Ana Roces dahil sa nakapagtapos na sa high school ang anak niya na si Carmela Adad Montenegro.

Graduate si Carmela ng Saint Pedro Poveda College at namana rin nito ang angking ganda ng kaniyang Mommy Ana.

Sa Instagram post ng aktres, “So proud of your achievements from being a class officer to all your academic awards. 💛💛💛 Now on to the next chapter…”

Kahit naging busy sa pag-aalaga ng kaniyang pamilya, gumagawa pa rin ng ilang serye si Ana Roces. Sa katunayan, napanood siya noon sa Pamilya Roces (2018) at Sahaya (2019).

Tignan ang ilan sa That's Entertainment stars na proud mommies na ngayon sa gallery na ito.