Celebrity Life

Mayor Vico Sotto receives birthday surprise from mom Coney Reyes

By Jimboy Napoles

Isang simple pero makahulugang birthday wish ang ibinahagi ng batikang aktres na si Coney Reyes para sa kaniyang anak na si re-elected Pasig City Mayor Vico Sotto na nagdiwang ng kanyang ika-33 kaarawan nito lamang June 17.

Sa Instagram, ipinost ni Coney ang ilang mga larawan ng simpleng birthday celebration ni Vico. Kapansin-pansin din sa mga larawan ang dalawang birthday cake na inihanda ni Coney para sa anak.

"Happy Birthday, Vico!!! (June 17) I pray that God blesses your year(s) ahead even more! May He keep you in the center of His will and grant you the desires of your heart. I love you, son!," caption ni Coney sa kaniyang late post.

Nagpahatid din ng pagbati ang ilan sa mga kaibigan nina Coney at Vico gaya na lamang ni Return to Paradise actress na si Eula Valdes, at ilan pang kaibigan sa showbiz na sina Jackie Lou Blanco, Maritoni Fernandez, at Almira Muhlach.

Kamakailan ay naging trending din si Mayor Vico dahil sa kaniyang "honest" food blog review sa social media na ginaya pa ng ilang mga netizen.

Samantala, silipin ang ilang sweet photos ng mag-inang Coney at Vico sa gallery na ito: