
Very proud ang aktres na si Candy Pangilinan sa kanyang anak na si Quentin na nakapagtapos na sa junior high school. Matatandaan na naging open ang aktres sa mga naranasan nilang mag-ina dahil sa kalagayan ng anak, na na-diagnose na may autism,
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Candy ang mga larawan ni Quentin na nakasuot ng barong at sablay. Makikita rin sa post ng aktres ang medal at certificate ng kanyang anak.
"Quentin graduates grade 10!," caption ni Candy.
Isa-isa namang pinasalamatan ni Candy ang mga guro, pamilya, at mga kaibigan na nagturo at nakatulong sa pag-aaral ni Quentin.
Aniya, "Thank you to all our teachers from Grade 1 to present, dami po kayo from teacher Amor to teacher Frank. Thank you to all therapists from our first OT teacher Tisha, Teacher Sean, Teacher Giselle, to Teacher Yani. Too many therapists to mention.
"To every person who has joined us in our journey, my family mom, tita MM, my siblings Ate Marissa, kuya Boboy, kuya Phey, pamangkins holli, ehrlich and their children of course, Camille. To all caregivers, household help, drivers. Thank you @quendy corner for your love and care.
"Ang daming dapat pasalamatan pati mga guards na pinagbigyan kami sa pagwawala ni Quentin. To everyone we have encountered in one way or another. Salamat. And to my spiritual mentor, thank you for the guidance and understanding. To God, our Father all glory to You! Everything by Your grace and mercy."
Handa na rin si Candy para sa mga susunod pang pagsubok na kanilang kakaharapin ni Quentin.
Aniya, " Next level na po tayo. The journey continues."
Aminado rin ang aktres na marami rin siyang natutunan mula sa kanyang anak.
"Quentin may have taught me more than I have taught him. Thank you Quentin. Congratulations!," ani Candy.
Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ni Candy na sa sobrang saya ng kanyang anak dahil sa graduation ay nagkaroon ng sira ang barong na suot nito.
"PS: Sobrang enthusiastic ni Quentin nasira yung barong. Nagka-slit. Hahaha! Congratulations to all graduates!," saad niya.
Nagbigay naman ng pagbati ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Candy gaya nina Carmina Villarroel, Janice De Belen, at Nikki valdez.
Samantala, silipin naman ang ilang sweet moments ni Candy at Quentin sa gallery na ito: