
May mahalagang mensahe ang komedyante at aktres na si Candy Pangilinan para sa mga kapwa niya magulang na may anak na may special needs. Inside link:
Sa kanyang Instagram, ipinost ni Candy ang teaser ng kanyang vlog kasama ang anak na si Quentin. Makikita sa video ang pagiging makulit ng anak habang may tantrums.
"There are good days, there are tantrums/meltdown days. Children with ADHD/autism oftentimes cannot understand how and why they are feeling such. Parents' understanding and tolerance is needed. You can cry but you are not allowed to shout and give up," sulat ng celebrity mom sa kanyang post.
Aminado rin si Candy na minsan ay hindi niya na rin kontrolado ang sitwasyon kapag sinusumpong ang anak na si Quentin.
Aniya, "I too admittedly sometimes do not know what to do anymore. I close my eyes and take a few breaths. I remind myself that there are better days ahead. I think of ways on how I can help/better understand his ongoing emotion."
Mababasa sa huling bahagi ng kanyang post na umaasa ang aktres na mas magiging bukas ang kaisipan ng publiko sa mga taong may ADHD o autism.
"April is international Autism month. Let's be more kind with each other. I do hope that one day inclusion may truly happen in this country," ani Candy.
Sa comments section ng kanyang post, nagbigay suporta naman kay Candy ang ilan sa mga malalapit na kaibigan niya sa showbiz, gaya ni Yassi Pressman.
"I love you Ate. You're such a strong woman & mother! Quentin is very lucky, and he loves you so much!!," mensahe ni Yassi.
Sa huling bahagi naman ng video, makikita ang paghingi ng sorry ni Quentin sa kanyang Mommy Candy. Mahinahon naman na tinama ng aktres ang kanyang anak sa nagawa nito.
Silipin naman ang ilang mga larawan ng bonding moments nina Candy at Quentin sa gallery na ito: