Celebrity Life

Zia Quizon remembers late dad, Dolphy, on his 10th death anniversary

By Jansen Ramos

Sentimental ang singer na si Zia Quizon sa 10th death anniversary ng kanyang amang si Dolphy ngayong July 10.

Sa Instagram post ni Zia, nag-dedicate siya ng isang writing piece na nagpapahayag kung gaano niya ka-miss ang King of Comedy. Pumanaw si Dolphy sa edad na 83 sanhi ng chronic obstructive pulmonary disease.

Emosyonal si Zia sa post na nilakipan niya ng larawan nila ng kanyang Papa Dolphy habang nagpe-perform.

Basahin dito ang buong caption:

"Dear Papa,
How I miss you,
How I wish that you were here,
To walk me down the aisle,
And smile,
And maybe shed a tear

I knew this day was coming,
And I knew that you'd be gone,
But still I hear you humming,
Strumming to a joyful song

No, it isn't how I planned it,
But he's all I hoped he'd be,
There is family that's chosen,
And I chose what's best for me

Maybe somewhere you are watching,
Over on some distant star,
And I'm sorry you won't be here,
But the truth is that you are."

Sa parehong post, makikita ang isa pang larawan na tila nagpapahayag na ikinasal na ang panganay na anak nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla.

Dito ay makikita ang mga pangalang "Aleksa" at "Zia" na nakaukit sa isang bilog na kahoy katabi ang jewelry box na naglalaman ng isang kwintas at dalawang singsing na tila mga wedding ring.

Image source: ziaquizon (IG)

Ang anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin Nievera ang huling naisapublikong karelasyon ni Zia.

Matapos ang kanilang hiwalayan, nananatiling magkaibigan sina Zia at Robin.

Samantala, narito ang ilang pang kilalang komedyante na pumanaw na: