Celebrity Life

Team Kramer recreates throwback beach photo with their nanny

By Jimboy Napoles

Viral ngayon sa social media ang video ng Team Kramer kasama ang kanilang nanny habang sila ay nasa family vacation sa Boracay kamakailan.

Dahil nauuso pa rin ang mag-recreate ng throwback photo sa Tiktok, binalikan at muling nagpa-picture sina Kendra, Scarlett, at Gavin Kramer sa kanilang nanny habang nasa beach gaya ng sa mga larawan nila noong sila ay mga bata pa.

Agad na ipinost ng Team Kramer sa kanilang TikTok page ang nasabing video laman ang throwback photos at recreated videos na agad ding umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens.

@kramersquad #kendrakramer #scarlettkramer #gavinkramer #teamkramer #tiktok #viral #fyp #foryou #trending #glowup ♬ original sound - TEAM KRAMER

Napansin ng ilan ang naging mabilis na paglaki ni Kendra na panganay na anak nina Chesca Garcia at Doug Kramer.

"OMG super dalaga na si Kendra at naging super mahinhin na. Dati nung bata pa siya super talkative niya at napaka-bibo," komento ng isang netizen.

Masaya rin ang iba dahil bukod sa hindi nagbago ang itsura ng kanilang nanny ay natuwa rin silang makita na nagtagal din ito sa pag-aalaga sa Team Kramer.

"Hindi tumatanda itsura nung nag-aalaga," usisa ng isang netizen.

"Dito mo talaga masasabing mababait ang mga boss kasi nagtagal ang yaya," dagdag naman ng isa pang netizen.

Ngayon ay may mahigit eight million views at one million likes na ang nasabing TikTok video.

Samantala, kamakailan ay nakatanggap naman si Kendra ng isang Rolex watch at signed album ng kanyang K-pop idol at TWICE member na si Nayeon mula sa kanyang mga magulang na sina Chesca at Doug bilang regalo ng mga ito sa kanyang 13th birthday.

Nag-trending din si Kendra matapos i-repost ni Nayeon ang kanyang video habang inaawit niya ang awitin ng K-pop singer na "No Problem."

TINGNAN ANG ILANG BORACAY TRIP PHOTOS NG TEAM KRAMER SA GALLERY NA ITO: