GMA Logo rabiya mateo
Source: rabiyamateo (IG)
Celebrity Life

Rabiya Mateo, naniniwalang makikita pa ang ama

By Jansen Ramos
Published July 24, 2022 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker injuries in Region 1 reach 29
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo


Rabiya Mateo: ''Di pa uso ang ghosting, na-ghost na 'yung Mama ko.'

Isa sa mga rason kung bakit patuloy ang pagsisikap ni Rabiya Mateo ngayon ay para mahanap rin ang kanyang amang Indian-American na si Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi.

Naniniwala pa rin ang Miss Universe PH 2020 na makikita pa niya ang ama, ayon sa panayam niya sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas.

"You know what, Nelson, I really wanna look for him kaya isa rin 'yun sa goal ko kaya I wanna save money talaga kasi I really wanna go to the US, to Chicago, for him 'cause I know he's not getting any younger and ayoko magkaroon ng regrets sa buhay ko na I didn't try.

"He has always been my source of inspiration na gagalingan ko, na pagbubutihin ko na 'pag nakita n'ya ko, sasabihin n'ya, 'kahit pinabayaan ko 'yan she turned out to do well sa buhay.' And wala, mahal ko talaga 'yung daddy ko, Nelson. I really love him," bahagi ni Rabiya.

Ayon sa beauty queen-turned-host, wala raw siyang galit sa ama kahit iniwan sila nito noong bata pa lamang siya.

"Overall, wala akong bitterness sa heart ko towards him kasi I know kahit masakit, iniwan n'ya kami, may rason s'ya and actually 'di ko na kailangan marinig kung ano 'yung rason na 'yon gusto ko lang malaman kung okay s'ya, safe s'ya at kung kailanga n'ya ko bilang anak, I'm gonna be there to serve him despite na iniwan n'ya ko at saka 'yung kapatid ko.

"My mom didn't say anything about my dad, wala talaga kaya parang gano'n din ako kaya minsan si Mama sinasabi, 'o baka magkita pa kami ng daddy n'yo.' Parang gano'n s'ya, parang 'di rin siya nagko-close ng doors."

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Hindi pa nagkausap si Rabiya at ang foreigner na ama mula noong iniwan sila nito kaya wala siyang masyadong impormasyon tungkol dito pero, ani ng Kapuso star, nakabase ito sa US.

"I have photos of us pero I was still a baby during that time

"I have his name, his birthday, pero I don't have the exact address. All I know is...what 19 years ago, parang the last time he was in Chicago, Illinois. I have no idea talaga but I know he's a doctor, 'yung Mama ko, 'di pa uso ang ghosting, na-ghost na 'yung Mama ko."

Wala man daw nagparamdam sa kanya noong sumali siya sa Miss Universe 2020, na ginanap sa Florida, USA, tungkol sa kinalalagyan ng kanyang ama, nananatiling positibo si Rabiya na muli niyang makakapiling ang ama.

"Nobody messaged me with his name pero, ako in my heart, alam ko na magkikita kami ng dad ko and 'pag nangyari 'yon wala talagang bitterness in my heart talagang yayakapin ko lang talaga s'ya and mamahalin ko 'yung tatay ko nang buong-buo."

Sa podcast, kinuha rin ni Rabiya ang oportunidad para magpaabot ng mensahe sa kanyang long-lost Indian-American dad.

Mensahe niya sa ama, "I hope that you are okay, that you are doing very well and if you need somebody, daddy, if you need me, I'm just here. I'm waiting for you."

November 2021 nang pumirma ng kontrata si Rabiya sa GMA Network.

Simula Lunes, July 25, mapapanood siya bilang host ng bagong original variety show ng GMA Network na TiktoClock.

KILALANIN ANG MGA MAKAKASAMA NI RABIYA SA TIKTOCLOCK: