Celebrity Life

Sylvia Sanchez welcomes Maine Mendoza to their family

By Jimboy Napoles

Engaged na ang Eat Bulaga host na si Maine Mendoza sa kanyang boyfriend at Quezon City representative na si Arjo Atayde. Ito ang kanilang big announcement na ikinagulat ng marami kahapon, July 29.

Buong-puso namang tinanggap ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ang kanyang soon to be daughter in law na si Maine sa kanilang pamilya.

Kasama ang batikang aktres na si Sylvia sa nag-ayos ng engagement proposal ng kanyang anak na si Arjo para kay Maine.

Sa Instagram, ibinihagi ni Sylvia ang mga larawan nila ni Maine sa nasabing proposal kung saan makikita ang kanilang mahigpit na yakapan at paghalik niya sa noo ni Maine.

Kalakip ng kanyang post ay ang madamdaming mensahe para sa TV host.

"Finally!! Welcome to the family, Maine [heart emoji] Thank you for loving my son.
Love you Nak," caption ni Sylvia.

Dagdag pa niya, "I promise that I will take care and love you as my own daughter."

Ganito rin ang naging mensahe ng nakababatang kapatid ni Arjo, ang actress na si Ria Atayde.

Sa kanyang Instagram account, sinabi niya, "So excited to officially welcome you into the family @mainedcm 🤍 stay happy and in love! Congratulations to the two of you 💍"

Binalikan naman ng ilang netizens ang tweet ni Maine noon sa Twitter na "Arjo cutie" na ipinost niya noong July 28, 2013 dahil matapos ang siyam na taon ay na-engaged si Maine kay Arjo sa petsa na July 28, 2022.

Source: mainecdm (Twitter)

Taong 2018 nang magsimulang mag-date sina Arjo at Maine matapos silang magsama sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

SILIPIN NAMAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NG NEWLY-ENGAGED COUPLE NA SINA MAINE AT ARJO SA GALLERY NA ITO: