Celebrity Life

Rufa Mae Quinto shares advice in meeting a partner's family for the first time

By Aimee Anoc

Kuwelang ikinuwento ng Tols actress na si Rufa Mae Quinto ang unang pagkakataong na-meet niya ang mga magulang ng ngayo'y asawang si Trevor Magallanes.

Sa interview sa podcast na Updated with Nelson Canlas, nagbigay ng praktikal na payo ang sexy comedian kung ano ang dapat na gawin sa unang pagkakataon na mami-meet ang pamilya ng inyong kasintahan.

"Una sa lahat mag-presentable ka, maligo ka para fresh," sabi ng aktres. "Basta maging ano ka lang relax, tapos magbihis ka nang hindi masyadong bastos kagaya ko. Para seryosohin ka nilang lahat. Kumbaga kilalanin mo muna ang pamilya."

Ayon kay Rufa Mae, una niyang na-meet sa Amerika ang mga magulang ni Trevor.

"Na-meet ko sa Lake Tahoe agad tapos after [three] days sinabi namin we're engaged, syempre nawindang-windang na gano'n," kuwento ng aktres.

Photo by: rufamaequinto (IG)

Dahil aniya malamig, hindi siya nakapagsuot ng sexy na damit. "Pero si Trev ipinakita niya FHM ko. Naka-Mickey Mouse ako parang proud na proud sa mga sexy pictures ko. Okay lang naman kasi Americanized naman sila."

Para kay Rufa Mae, ang importante ay maging presentable sa unang pagkikita. "So 'yon ang advice ko just go there and then be fresh, simple lang. Tapos 'wag kang ma-pressure kasi hindi naman, ini-invite ka palang naman. Hindi ka pa naman pinapakasalan, charot! 'Di ba?"

Dagdag niya, "'Wag tayo masyadong umasa na baka feeling natin. Kasi may gano'n din na feeling ay pakikilala kita sa magulang naku siguro ano na 'to. Tapos masasaktan lang tayo, kaya relax lang, just go, attend, makinig, maging totoo lang 'di ba? 'Pag may tanong sagot, 'pag wala e 'di tahimik."

Limang taon na ngayong kasal si Rufa Mae kay Trevor at mayroon na rin silang five-year-old daughter na si Alexandria Athena.

Samantala, patuloy na mapapanood si Rufa Mae sa kauna-unahang family sitcom ng GTV, ang Tols, tuwing Sabado, 7:00 p.m.

TINGNAN ANG MOTHER-AND-DAUGHTER PHOTOS NINA RUFA MAE QUINTO AT ALEXANDRIA ATHENA RITO: