Sa ngayon ay 30 years na ang relasyon ng celebrity couple na sina Gelli de Belen at Ariel Rivera, at 25 years naman sila bilang mag-asawa.
Biniyayaan din sila ng dalawang lalaking anak na sina Joaquin Andres at Julio Alessandro, na kasalukuyang nasa Canada. Noong December 2021, lumipad sina Gelli at Ariel patungong Canada upang bisitahin ang kanilang mga anak.
Noong July 2021, nagbigay ng update ang aktres tungkol sa mga anak nila na nag-aaral sa abroad.
“They're doing well, online schooling 'yung ganun,” kuwento ni Gelli sa report ni Lhar Santiago sa '24 Oras.'
Dagdag pa ng aktres, “But of course may edad na ng kaunti so 'yung isa nagbo-volunteer work to get credits for his course.”
Sinisigurado naman nina Gelli at Ariel na nabibisita at nakakamusta nila ang kanilang mga anak kung mayroong pagkakataon.
Silipin ang mga larawan ng masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera sa gallery na ito.
Ang dalawang anak ni Gelli at Ariel, sina Joaquin Andres at Julio Alessandro.
Si Nugget ay ang Dudley Labrador na part din ng pamilya de Belen-Rivera.
Very sweet pa rin ang mag-asawa. Once nga ay binisita pa ni Gelli si Ariel habang nasa taping.
Panganay si Joaquin at bunso naman si Julio.
Mahilig din mag-travel together ang pamilya nila. Namasyal sa Canada sina Gelli, Ariel, Joaquin, at Julio sa litratong ito.
Caption ni Gelli sa Instagram: "Lunch with my boys. Loving this bonding time with my babies."
Pa-joke na tinatawag ni Gelli si Ariel bilang kanyang "ex-boyfriend" at "driver."
Nag-celebrate sina Gelli at Ariel ng kanilang 20th anniversary noong December 2017. Sabi ni Gelli, "Our 20th Anniversary dinner with the family. So happy to be with my boys. So much to be thankful for."
Twenty-nine years na ang relationship nina Ariel at Gelli. Twenty-four years naman sila bilang married couple.
Throwback photo ni Gelli at Ariel. Sabi ni Ariel, "Dancing with my wife as Side A plays our song.... that's Joey Generoso in the back." Dagdag naman ni Gelli, "Love this pic too, honey. This was taken 11 years ago."
Nagbalik Kapuso si Gelli de Belen nang mapabilang siya sa drama series na 'Ika-5 Utos.'
Noong Disyembre, lumipad patungong Canada sina Gelli de Belen at Ariel Rivera para bisitahin ang kanilang mga anak.
Masaya si Gelli de Belen nang maka-bonding ang kanyang dalawang anak na lalaki sa Canada noong Disyembre. Sulat ng aktres sa kanyang Instagram post, “My heart is full.”
Sweet na sweet sina Gelli de Belen at Ariel Rivera sa kanilang pre-Valentine's staycation sa isang hotel sa Pasay.