
Isang early birthday celebration ang inihanda ng Legaspi family para sa kaarawan ni Carmina Villarroel.
Nitong August 15 ay nag-celebrate na ng kaarawan ang Sarap, 'Di Ba? host kasama sina Zoren Legaspi, Mavy, at Cassy Legaspi. Ang kaarawan ni Carmina ay ngayong darating na August 17.
Ayon sa post ni Mavy, maaga ang naging celebration para sa kanilang mommy dahil sa kailangan niyang magtrabaho sa kanyang kaarawan.
"Since she's working on her birthday and we're celebrating it earlier, here's something I promised her a long time ago."
Ipinakita rin ni Mavy kung paano niya ini-spoil ang kanyang ina sa kanyang birthday sa regalo niyang Hermès bag.
"I love you so much, my beautiful mother. Happy early birthday! I will always do my best to spoil you because you deserve everything mom. #MamasBoyForLife"
PHOTO SOURCE: mavylegaspi
Nag-post rin ng litrato si Zoren kasama ang kanyang asawa. Saad ng Apoy sa Langit actor, "birthday dinner of my [heart emojis]."
Sa Instagram stories naman ay matatagpuan ang kanilang family photos at ilang fun moments sa gabing ito.
PHOTO SOURCE: mavylegaspi
Happy birthday, Carmina!
SAMANTALA, SILIPIN ANG BATANGAS REST HOUSE NG LEGASPI FAMILY: