Celebrity Life

Rocco Nacino, excited nang makita at mahalikan ang kanyang first baby

By Jimboy Napoles

Idinaan sa isang social media post ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang kanyang excitement sa first baby nila ng kanyang asawa na si Melissa Gohing.

Sa Instagram nitong Miyerkules, September 28, ibinahagi ni Rocco ang larawan nila ni Melissa habang nasa isang bakasyon. Makikita sa nasabing larawan na nakahalik ang aktor sa lumalaking baby bump ng kanyang misis.

Ayon sa post ng first time dad na si Rocco, hindi na siya makapaghintay na makita at mahalikan ang kanilang baby boy.

"Soon I'll be kissing your cheek, my little one. Counting down to the day that I'll finally meet you," sulat niya sa caption ng kanyang post.

May sweet na reply naman si Melissa sa post ng kanyang asawa. "You are going to be the best daddy," ani Melissa.

January 21, 2021 nang ikasal sina Rocco at Melissa at makalipas ang isang taon, masayang ibinalita ng celebrity couple na sila ay nagdadalang tao sa kanilang panganay na anak.

Samantala, gaganap naman bilang si Elias ang Kapuso actor na si Rocco sa bagong historical fantasy series ng GMA na Maria Clara at Ibarra na mapapanood na sa Oktubre.

SILIPIN ANG MASAYANG GENDER REVEAL PARTY PARA FIRST BABY NINA ROCCO AT MELISSA SA GALLERY NA ITO: