GMA Logo Iya Villania, Drew Arellano, with Primo, Leon, Alana and Astro
PHOTO SOURCE: @drewarellano
Celebrity Life

Iya Villania, ikinuwento ang buhay bilang mommy na may apat na anak

By Maine Aquino
Published October 13, 2022 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania, Drew Arellano, with Primo, Leon, Alana and Astro


Iya Villania: "Some people think apat na anak, paano?"

Puno ng saya si Iya Villania bilang mom of four!

Ibinahagi ni Iya ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong apat na ang anak nila ni Drew Arellano. Ang cute nilang mga anak ay sina Primo, Leon, Alana, at Astro.

Ikinuwento ito ni Iya sa ginanap na Eat Well, Live Well. Stay Well. season 4 media conference last October 7.

Natatawang pag-amin ni Iya, "Nandito na nga ako sa stage na ang cute nila masyado. Dagdagan pa natin. Nandiyan na naman ako kasi si Astro, he's laughing now, he really smiles.

INSET: 84
IAT: Primo Arellano, Leon Arellano, Alana Arellano, Astro Arellano
PHOTO SOURCE: @iyavillania

"He's exploring, he's found his voice e so he's really using it. Ang saya lang dito sa bahay especially now," dugtong pa ng Kapuso star.

Ayon pa kay Iya, ramdam na ramdam rin sa kanyang asawang si Drew na enjoy sa pakikipag-bonding sa kanilang anak.

"Si Drew kasi nawala siya ng isang buwan e. So now that he's back, feel na feel mo 'yung how they missed Drew. Si Drew naman naaaliw na in the one month that he's away how much Astro has grown, how he can smile, how he can interact with you now. Ang saya lang."

Inamin ni Iya na alam niyang may mga taong napapaisip sa kanilang set-up na may apat na maliliit na anak. Kaya naman ibinahagi niya kung bakit mas madali na ito lalo na't lumalaki na sina Primo at Leon.

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)

Saad na Iya, "Some people think apat na anak, paano? Posible ba 'yun? Hindi ba riot 'yun? It's only really hectic in the first two to three years of a child."

Ang panganay ng Arellano family na si Primo ay six years old na at si Leon naman ay four years old.

Kuwento ni Iya, "Si Primo at si Leon, sobra na silang daling i-handle so I don't even include them when I think about the riot dito sa bahay because kapag nagkaka-riot, puwede ko na silang pagsabihan.

"Si Alana at si Astro dahil sila 'yung dalawang maliit ko, sila pa 'yung dalawang kailangan na tutukan. Sila pa 'yung siyempre hindi pa nakakaintindi. So sila yung may mas trabaho, but for Primo and Leon madali na lang."

TINGNAN ANG PHOTOS AT KUWENTO NG SUPERMOM NA SI IYA: