GMA Logo Ruby Rodriguez, Tom Rodriguez
Source: rodriguezruby (Instagram)
Celebrity Life

Ruby Rodriguez reunites with her 'cousin' Tom Rodriguez in California

By Jimboy Napoles
Published October 18, 2022 12:31 PM PHT
Updated October 18, 2022 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Ruby Rodriguez, Tom Rodriguez


Masaya na muling magkasama sina Ruby at Tom Rodriguez sa Los Angeles, California.

Mahigpit na yakap ang pinagsaluhan ng dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez at ng kanyang tinuturing na pinsan na si Tom Rodriguez nang muli silang magkita sa Los Angeles, California kamakailan.

Sa Instagram ngayong Martes, October 18, ibinahagi ni Ruby ang larawan ng mini-reunion nila ni Tom.

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby)

"Was so happy to see my boy @akosimangtomas I missed you cuz," caption ni Ruby sa kanyang post.

May pahapyaw na mensahe rin ang dating dabarkads sa Kapuso actor. Aniya, "I pray for your peace and happiness," na sinundan pa niya ng hashtag na, "#lifegoeson."

Sa comment section, agad naman na nag-reply si Tom sa kanyang Ate Ruby.

"Love you, ate Ruby!!!!!!! [heart emojis] so happy I got to see you!" saad ni Tom.

Taong 2021 nang magdesisyon si Ruby na manirahan na sa Amerika upang matutukan ang pagpapagamot ng kanyang anak na si AJ na mayroong rare medical condition.

Ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho si Ruby sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.

Marso naman ngayong taon nang bumalik si Tom sa Amerika matapos maging final ang divorce decree nila ng dating asawa na si Carla Abellana.

Kamakailan ay nagkita rin sina Tom at Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas sa nasabing bansa kung saan sorpresang nakasama rin nila ang aktor na si Coco Martin.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BUHAY SA AMERIKA NI RUBY RODRIGUEZ SA GALLERY NA ITO: