
Muling nagkita ang dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez, at ang aktor na si Carlo Aquino sa Los Angeles, California kamakailan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Ruby ang larawan ng kanyang saglit na reunion sa dating child actor na minsan niyang nakatrabaho noon.
"The little boy I worked with is now a certified Man and a great actor at that. Nice seeing you again @jose_liwanag Carlo Aquino," saad ni Ruby sa kanyang post.
Hindi naman ito ang unang beses na ma-reunite si Ruby sa kanyang mga dating katrabaho habang siya ay nasa Amerika dahil kamakailan ay muli rin silang nagkita ng kaibigan na si Jaya, Donita Rose, at dating Eat Bulaga co-host na si Ice Seguerra.
Taong 2021 nang magdesisyon si Ruby na manirahan na sa Amerika upang matutukan ang pagpapagamot ng kanyang anak na si AJ na mayroong rare medical condition.
Ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho si Ruby sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.
SILIPIN ANG BUHAY SA AMERIKA NI RUBY RODRIGUEZ SA GALLERY NA ITO: