GMA Logo Aubrey Miles
Celebrity Life

Aubrey Miles, ready nang bumalik sa showbiz at tumanggap ng mga proyekto

By Aimee Anoc
Published November 20, 2022 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Aubrey Miles


Bakit kaya pansamantalang tumanggi sa mga alok na lock-in taping si Aubrey Miles nitong pandemya?

Handa nang bumalik sa showbiz at tumanggap ng mga bagong proyekto si Aubrey Miles.

Ayon kay Aubrey, pansamantala siyang tumanggi sa mga alok na lock-in taping nitong pandemya para matutukan ang anak na si Rocket Miller, na mayroong autism spectrum disorder.

"Nagpo-progress and 'yung development n'ya sa therapy n'ya, iyon 'yung importante. So ngayon, she looks in our eyes, we look at each other na. Before kasi hindi siya tumitingin," kuwento ni Aubrey kay Cata Tibayan ng 24 Oras.

Dagdag niya, "'Yung speech, ngayon nagwa-one word, one word na siya. Hindi siya 'yung totally pipi, hindi ganu'n e'. 'Yung iba kasi they don't want to just talk, siya nagwa-one word na. Progress sa amin 'yun."

Aubrey Miles

Photo by: milesaubrey (IG)

Kahit na noong una ay hindi naging madali para kina Aubrey at Troy Montero ang kalagayan ng anak, pero anila, hindi sila pinanghinaan ng loob.

"It's really acceptance e'. Kahit anong ready mo sa buhay, hindi mo ine-expect 'yung mga ganito. So sa amin, in-expect na lang namin 'yung love talaga," sabi ni Aubrey.

Todo rin ang suporta nina Aubrey at Troy sa mga kapwa magulang na mayroong autism ang anak. Ani ng aktres, "Don't expect na kailangan ganito. Everything open lang and better talaga acceptance in everything. Tanggapin lang natin, huwag na lang tayong mag-compare ng mga anak natin."

Mayroong dalawang anak sina Aubrey at Troy, ito ay sina Hunter Cody at Rocket. Noong June 2022, ikinasal ang dalawa matapos ang 18 taong relasyon.

BALIKAN ANG CIVIL WEDDING CEREMONY NINA AUBREY MILES AT TROY MONTERO SA GALLERY NA ITO: