Celebrity Life

Pokwang, ipinakita ang paraan para maiwasan ni Malia ang paggamit ng gadgets

By Maine Aquino

Inilahad ni Pokwang ang ginagawa niyang paraan para maging independent at makaiwas sa paggamit ng gadgets ang anak na si Malia.

Si Malia ay ang 4-year-old daughter nina Pokwang at Lee O'Brian.

PHOTO SOURCE: @itspokwang27

Sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, inilahad ni Pokwang ang kanyang sikreto sa pagpapalaki sa bunsong anak.

Ani Pokwang mahalaga para sa kanya na maipakita ang pagpapalaki kay Malia na ayon sa kulturang Pinoy.

"Kailangan 'di ba sa panahon ngayon huwag natin inaalis na habang lumalaki sila, huwag nating inaalis na kung ano 'yung kultura nating mga Pilipino. Pinalaki tayo ng mga magulang natin na kanya kanya tayong kilos sa bahay."

Pag-amin pa ng TiktoClock host, napagusapan at napagkasunduan nila ito ni Lee para kay Malia.

"'Yun din naman ang napagusapan namin ng tatay niya maging independent siya, lumaki siyang ganoon."

Pagdating sa gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan, enjoy na enjoy daw dito si Malia. Saad pa ng Kapuso star, kailangang lagi siyang nakagabay sa anak.

"Enjoy na enjoy nga ang lakas sa sabon! Kailangan bantayan mo din kasi may kasamang laro."

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Payo naman ni Pokwang sa kapwa niya mga magulang ay gabayan ang mga anak sa kanilang mga activities. Saad niya, "Tayo po ang gabay nila para maiwas sila sa gadgets at saka para magkaroon sila ng activities 'di ba sa araw-araw."

TINGNAN ANG CUTEST PHOTOS NI MALIA DITO: