Celebrity Life

Dennis Trillo, sinagot kung sino sa kanila ni Jennylyn Mercado ang kamukha ni Baby Dylan

Published January 9, 2023 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and dennis trillo with dylan


Marami ang natuwa sa cuteness ng anak nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan Jayde at naging debate rin sa social media kung sino nga ba sa kanila ang mas kamukha nito.

Noong nakaraang Nobyembre lang unang nag-post ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ng larawan ng kanilang unang anak na si Dylan Jayde.

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Marami ang natuwa sa cuteness ni Baby Dylan at naging debate rin sa social media kung sino nga ba kina Dennis at Jennylyn ang mas kamukha ng kanilang anak.

Para matapos na ang diskusyon, ibinahagi ng aktor na "hati" ang features nila ni Jen na nakuha ni Dylan, ayon sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Biyernes, January 6.

Proud dad si Dennis kay Dylan at masaya siyang natututukan ang paglaki ng kanilang anak ni Jen sa kabila ng pagiging busy sa kanyang showbiz commitments.

Kasabay ng pagtawid ng kuwento ng Maria Clara at Ibarra sa El Filibusterismo, mapapanood din si Dennis sa live-action adaptation series na Voltes V: Legacy bilang Dr. Ned Armstrong.

Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.

May tig-isang anak sina Dennis at Jennylyn mula sa kanilang mga dating nakarelasyon.

Ikinasal sila noong November 2021 at isinilang ang kanilang unang anak na si Dylan Jayde noong April 2022.

SILIPIN SA GALLERY NA ITO ANG FAMILY LIFE NINA DENNIS AT JENNYLYN: