Celebrity Life

Angelica Panganiban, miss na miss na ang pamilya matapos tamaan ng COVID

By Aedrianne Acar

Ibinalita ng TV-movie actress na si Angelica Panganiban sa kaniyang Instagram update na nag-positibo siya sa COVID-19.

Nag-post si Angelica ng screenshot ng video call niya with her fiancé Gregg Homan at anak nila na si Amila.

Ipinakita rin ng first-time mom ang resulta ng kaniyang COVID-19 test.

Ramdam ang lungkot ni Mommy Angelica sa caption ng kanyang post na, “Nauubusan na 'ko ng positive thoughts pls send help. I miss you family”


Dagsa naman ang komento ng mga katrabaho ng aktres sa show business at dasal nila ang agarang paggaling niya tulad nila Carla Abellana, Camille Prats, Pokwang, at Anne Curtis.

Isinilang ni Angelica si Amila Sabine noong September 20, 2022 at nang sumunod na buwan, kinumpirma nila ni Gregg na engaged na silang dalawa.

CUTEST PHOTOS OF AMILA SABINE HERE: