
Nagsalita na ang model-vlogger na si Trina Candaza matapos ang interview ng ex-partner na si Carlo Aquino, kung saan nabanggit ng aktor na mahigit dalawang buwan niyang hindi nakakapaling ang anak na si Mithi. Umalma si Trina sa mga naglalabasang balita na sinusustentuhan siya ni Carlo at iginiit na parehas sila ng aktor nagsusustento sa anak.
Sa panayam ni Trina sa vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi nito ang saloobin niya sa mga lumalabas na balita.
"That's not true, I also pay half of our expenses."
Saad ni Trina, "Puwede niya namang sabihin na nagsusustento siya kay Mithi--kasi totoo 'yun. Pero para sabihin niyang binubuhay niya ako, parang nakaka-offend sa part ko 'yun, kasi nagtatrabaho din ako. Naghahanap ako ng ways, ng income para ma-provide 'yung kulang dun sa ibinibigay niyang sustento."
"Ito napansin ko lang...kapag ang lalaki nagbigay ng sustento for a month, mabuting tatay na sila.
Pero kapag sa mga single moms, nagtatrabaho kami, inaalagaan namin 'yung anak namin. Pero once na may mali kaming magawa, masamang ina na kami."
Dagdag ni Trina, "Kay Carlo kasi, 'yung sustento niya he can earn it in a day pero ako 'yung pino-provide ko na half, ilang trabaho 'yung katapat para ma-provide ko 'yung one month.
"Nagbibigay naman siya ng sustento, minsan pinupuntahan niya naman si Mithi, or pinapasundo niya. Nagagampanan naman niya."
Tungkol naman sa nababalitang bagong relasyon ni Carlo sa isang non-showbiz girl, nagpakita naman ng suporta si Trina.
"Good for him kung masaya siya. Ang sa akin lang is 'yung kay Mithi lang, 'yun lang."
"Parang wala na ako sa position para magsalita about that kasi it's their relationship. Siguro puwede lang ako makapagbigay ng opinyon ko kapag magiging nanay [or stepmom] na siya ni Mithi."
Handa na rin si Trina na magbukas muli ng kaniyang puso, ngunit para lamang daw sa pangmatagalan na relasyon.
"Pinagdadasal ko 'yan. Sabi ko kung hindi para sa akin 'yung lalaki, 'wag ko nang ma-meet, 'wag na mapunta sa buhay ko. Kasi ayaw ko na ng heart break."
"Sana kung may darating na lalaki, sana 'yun na siya, ayaw ko ng magpapalit palit or kumilala ng panibagong tao."
Nang tanungin kung may natitira pang pagmamahal para kay Carlo, sagot ni Trina, "Gusto ko maging honest, kasi hindi naman ako ganito kung wala talaga 'eh. Of course meron pa, kasi daddy siya ng anak ko."
"Kung titingnan ko si Mithi, sino bang nanay ang ayaw bigyan ng buong pamilya 'yung anak niya? Pero kung iisipin ko 'yung naging relationship namin ni Carlo noon, parang hindi na rin magwo-work kung sakali man."
Nananatili rin si Trina na bukas makipagusap sa dating kabiyak.
"Kung gusto niya makipag-usap kay Mitho, open ako. Kausapin niya ako. Kung gusto niya makipag usap privately, open ako. Nasa sa kaniya if gusto niya na sa akin dumiretso. Pero sana bukas din ang isip niya kung makikipag-usap siya sa akin. Sana intindihin niya 'yung situation kasi syempre ako 'yung nasa bahay, ako 'yung kasama ni Mithi."
TINGNAN ANG BUHAY NI TRINA CANDAZA BILANG SINGLE MOM: