Celebrity Life

David Licauco, emosyonal nang makitang nagko-compete ang dalawang kapatid sa UAAP volleyball tourney

By Aedrianne Acar

Number one supporter ng Ateneo de Manila University volleyball players na sina James at Jean Licauco, ang older brother nila na si Sparkle heartthrob David Licauco.

Sa katunayan, kahit napaka-busy ng schedule ng Pambansang Ginoo, sinusubukan pa rin nito na manood nang live ng games ng kaniyang mga kapatid sa UAAP tournament.

Ayon sa breakout actor ng Maria Clara at Ibarra, emotional moment para sa kaniya na makitang naka-suot ng Ateneo uniform ang dalawa.

“To be honest, the moment I saw my brother and my sister in that Ateneo uniform, I went out kasi naiiyak ako” , pag-amin ni David. “I got really emotional, kasi I have this emotional side towards my siblings

“Ayun, nakakatuwa siyempre, kasi nakikita ko 'yung kapatid ko [my brother] like having fun, also my sister having fun playing volleyball. Playing the game they love.

“Kumbaga as a brother, I can't help na be thankful and be happy for them.”

Dati rin student-athlete si David na parte ng varsity team noon ng College of Saint Benilde Blazers.

Tinanong naman ito, kung may payo ba siya para kina James at Jean sa tuwing may laban sila?

Lahad ng Sparkle actor, “Lagi silang nasa dorm, nasa Ateneo sila. Lagi ko sila tinatanong, 'How are you?' 'Good luck on your game,' and 'I love you.' Just be in the moment, 'cause imagine mo there are thousands of fans watching you, kasi kumbaga nasa Arena ka, e. Kumbaga kami 'pag nasa taping kami, nasa TV lang naman kami, kumbaga hindi naman namin nakikita 'yung mga fans na nanonood 'di ba? It's different especially for them na they are 19 and 20 years old. So, kumbaga 'yung maturity nila on the mental aspect hindi pa ganun ka-strong.”

Dagdag niya, “Nire-remind ko lang sila, from time to time that before their games na just be chill parang no matter what, if you fail, I still love you.”

Samantala, tuloy ang paghahatid ng kilig nina David at Barbie Forteza o mas kilala bilang sa tandem nila na FiLay tuwing Linggo ng gabi, dahil bibida sila sa upcoming story na "Lady and Luke" ng award-winning fantasy show na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Para sa chinito hottie na first-time na magi-guest sa show, sobra raw ito na-impress sa direktor ng Daig Kayo Ng Lola Ko na si Rico Gutierrez.

Kuwento ni David, “Ang realization ko dun was, ang bilis ng shots. Ilang beses ko sinasabi, 'Ang bilis ah.' It just go to show, alam na alam niya kung ano 'yung ginagawa niya. Ang galing niya, kasi despite just having one take, ang ganda nung kinakalabasan, kumbaga mero'n sariling magic sa directing.”

Gagampanan ng Kapuso actor ang role ni Luke. At ang Kapuso Primetime Princess naman na si Barbie Forteza, ipo-portray ang karakter ni Lady.

Nahirapan kaya siya mag-adjust sa bago niyang role matapos ang Maria Clara at Ibarra?

“Opo, medyo nag-adjust din po ako, because parehas po kasing modern si Klay at si Lady. Siguro ang iniba ko na lang po ay 'yung level of maturity and 'yung depth of acting. And then at the same time, 'yung pagiging wholesome pa rin nung character, kasi siyempre 'yung Daig Kayo Ng Lola Ko is an award-winning children's show. So, kailangan wholesome pa rin.”

KILALANIN ANG VOLLEYBALL HEARTTHROB BA SI JAMES LICAUCO DITO: