Celebrity Life

Heart Evangelista, isinuot ang headband na nabili sa Quiapo ng P70 for 4 pcs sa Paris Fashion Week

By Al Kendrick Noguera

Nagtungo sa Paris Fashion Week si Heart Evangelista kamakailan lamang at doon ay ibinida niya ang headband na galing sa Quiapo!

Sa kanyang latest vlog kung saan mapapanood ang kanyang Paris Fashion Week 2020 highlights, proud na inamin ni Heart na ang headband na kanyang suot ay nabili sa Quiapo sa halagang 70 pesos for 4 pcs.

IN PHOTOS: Heart Evangelista at the Paris Fashion Week 2020

"So this is the Quiapo headband, 70 pesos for 4 pcs, nakarating na siya ng Paris," bahagi ng Queen of Creative Collaborations.

Isa rin sa highlights ng kanyang recent Paris trip ay ang Chanel fashion show na first time na napanood ni Heart.

"We are so excited. We because we are all gonna experience it for the first time. And I love that my whole team is here," saad niya.

Panoorin ang kanyang Paris Fashion Week 2020 vlog: