Celebrity Life

Cassy Legaspi, na-stress nang maglabas ng pera para sa bagong heels

By Aedrianne Acar

Mas lalong nakilala at nakita ng entertainment press ang ibang side ng 19-year-old daughter nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy nang makapanayam siya ng entertainment media noong nakaraang linggo.

Dito, ibinahagi ni Cassy at kanyang kakambal na si Mavy, ang natutunan nila sa kanilang mga magulang tungkol sa pagiging masinop showbiz earnings nila.

Umamin si Cassy sa interview sa Kapuso Showbiz News na tumatak sa kanya ang payo ng mga magulang niyang mag-ipon.

Kuwento ng young Kapuso actress, “Hindi ako ma-splurge o ma-designer brands.

"Kasi, I don't know, I'm a super-super saver, so I share shoes with my mom, I share bags with my mom.

“Why would I buy mayroon naman branded si mommy. Yeah, borrow, borrow na lang.”

Biglang naalala niya ang usapan nila ng kanyang Mommy Carmina tungkol sa pag-i-invest sa mga bagay na ginagamit niya lalo na for taping.

Sabi ni Cassy, “Actually, nagalit si Mommy sa akin kasi hindi ako nag-i-splurge, as in sira-sira na 'yung shoes ko, as in 'yung mga pang-taping ko na flats and heels sirang-sira.

"But I still don't want to buy. I don't know why?”

“Kaya sabi ni mommy na, 'Okay, look, you are earning a lot, so it's okay to spend.'

"Hindi naman 'yung okay mag-shopping tayo every day, tipong you would invest every now and then.

“So, I bought heels after I bought it nasuka ako kasi na-stress ako. [Laughs] Hindi ko talaga kaya.”

Para naman sa binatang anak nina Zoren at Carmina, wala siyang nakikitang masama na maglabas ng pera paminsan-minsan to reward oneself.

Binigyan-diin ni Mavy na nakatutulong din ito para lalong magsipag sa trabaho.

Wika niya, “When I was making money na out of my own work, siyempre save muna. But there are times na talaga you feel na you need to reward yourself kumbaga.

“I really get feeling talaga na oh sige ah you reward yourself pero it gives you that push to work pa you know what I mean.”

Biro pa ni Mavy, “'Uy parang paubos na 'yung pera sa account ko ah, trabaho ulit'.”

Watch the full interview with the Legaspi twins on the Kapuso Showbiz News video above.

Cassy and Mavy Legaspi become endorsers of local fashion brand