GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay
Celebrity Life

Sofia Pablo at Allen Ansay, nagpakilig sa runway ng isang fashion event

By Jimboy Napoles
Published October 2, 2022 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay


First time rumampa bilang fashion models ng Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa isang fashion event.

Bago ipalabas ang kanilang pagbibidahang series na Luv is: Caught in His Arms, nagpakilig muna ang tambalang Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa isang fashion event nang tuparin nila ang kanilang pangarap na maging fashion models.

Sa fashion week ng isang kilalang local clothing brand kamakailan, first time na rumampa ng dalawa bilang models suot ang latest holiday season style ng nasabing lifestyle brand.

A post shared by Human Clothing (@human_official)

Sa sumunod na set, all smiles at magkahawak-kamay naman na rumampa sina Sofia at Allen suot ang '90s fashion-inspired outfits.

Bagama't unang beses ito para sa Sparkle sweethearts na rumampa sa runway, aminado ang dalawa na isa ito sa mga memorable experiences nila as a loveteam.

"It's really memorable kasi it's our first time walking for a clothing brand na one of our dreams talaga na matupad," ani Sofia sa panayam sa kanya ng 24 Oras.

Sa ngayon ay abala na rin sina Allen at Sofia para sa kanilang pagbibidahang series na Luv is: Caught in His Arms na kinunan pa sa city of pines, Baguio City.

Ang nasabing series ay ang first collaboration project ng Wattpad Webtoon Studios at GMA Network.

"Sana panoorin po ninyong lahat kasi napakaganda po talaga ng story and excited na akong makilala niyo 'yung limang shokoys sa buhay ni Florence [Sofia Pablo]," ani Allen.

Makakasama ng Team Jolly sa nasabing series ang ilan sa Sparkada members na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Sparkada girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: