GMA Logo sofia pablo and allen ansay
What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, natupad ang "first date" sa GMA Thanksgiving Gala

By Jimboy Napoles
Published July 31, 2022 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

sofia pablo and allen ansay


Naging daan ang GMA Thanksgiving Gala para sa first date nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Mula sa kanilang trending "promposal," masayang dumalo na magkasama ang Sparkle love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa GMA Thanksgiving Gala na ginanap kahapon, July 30, sa Shangri-La The Fort BGC sa Taguig City.

Sa panayam ng GMANetwork.com kina Sofia at Allen, ibinahagi ng dalawa na ito ang itinuturing nila na first date mula nang sila ay magkakilala.

Kuwento ni Sofia, "First time namin mag-attend ng ganito kalaking event kasi nga sakto nagkakilala kami kasabay ng pandemic so ngayon na lang ulit kami sa mga ganito [event] and ako first time ko rin maka-attend ng event na mayroon akong ka-date."

Dagdag pa niya, "First time rin namin ni Allen na lumabas ng kaming dalawa lang well parang ganoon pa rin kasi tinetext pa rin namin si Mommy."

Hanggang ngayon naman ay hindi rin makapaniwala si Allen na naging matagumpay ang kanyang proposal kay Sofia.

Aniya, "Noong una talaga kinakabahan ako kasi iniisip ko kung magiging successful ba talaga 'tong plano, and then sa naging successful nga siya tapos ngayon ang sarap sa pakiramdam na 'yung plinano mo na makasama mo 'yung babaeng gustong-gusto mo na makasama dito sa gala [ay nagkatotoo]."

Biro pa ni Allen, may maisasagot na raw sila ni Sofia sa interview kapag natanong sila tungkol sa kanilang date.

Aniya, "Ito 'yung first time na mag-de-date kami na kaming dalawa lang talaga kaya para sa akin memorable 'to, kaya kapag tinanong kami sa interview kung nag-date na ba kami ng magkasama, may masasabi na kami, itong GMA Gala Night."

Masaya rin sina Sofia at Allen na maging bahagi ng GMA Thanksgiving Gala na isa ring fundraising event para sa GMA Kapuso foundation.

"Ang highlight din talaga ng night namin is we got to meet our fellow Kapuso artists kasi kahit magkaka-work kami tingin ko wala pa sa kalahati 'yung na-meet namin in person and mas maganda kasi may benefit din ang Kapuso foundation," ani Sofia.

Samantala, bibida rin sina Sofia at Allen sa upcoming kilig-series ng GMA na Luv Is: Caught In His Arms na mapapanood ngayong Oktubre.

SILIPIN ANG MGA CELEBRITY NA DUMALO SA GMA THANKSGIVING GALA SA KANILANG OLD HOLLYWOOD GLAM LOOK SA GALLERY NA ITO: