Celebrity Life

Elijah Alejo, nagsuot ng 18 gowns sa kaniyang debut

By Abbygael Hilario

Isang magarbong celebration ang inihanda ni Kapuso actress Elijah Alejo para sa kaniyang 18th birthday na ginanap noong Linggo, November 13.

Nag-a la Disney princess ang Underage star sa kaniyang "Beauty and the Beast"-themed debut.

Para sa kaniyang 18 roses, hindi lang isa, kung hindi 18 na gowns din ang kaniyang isinuot!

Sa Instagram post ng Nice Print Photography, ibinahagi nila ang mga larawan ng makukulay at magagarbong gowns na isinuot ni Elijah na ginawa ng kilalang fashion designer na si Marbin Garcia.

Sa panayam ni Aubrey Carampel kay Elijah sa 24 Oras, ikinuwento niya kung bakit si Belle ang Disney princess na napili niyang gayahin.

Aniya, "Kasi ito po ang favorite Disney movie ko. Si Belle po 'yung favorite Disney princess ko kasi I can relate to her kasi mahilig din po akong magbasa ng books."

A post shared by Elijah Alejo 💫 (@itselijahalejo)

SAMANTALA, KILALANIN SI ELIJAH ALEJO SA GALLERY NA ITO: