
Game na game ang Kapuso actresses na sina Angela Alarcon at Klea Pineda na malagpasan obstacles sa nagdaang Spartan Race na ginanap sa Lipa, Batangas.
Sa magkahiwalay na posts, proud na ipinakita ng first-time joiners na sina Angela at Klea ang kanilang pagsabak sa Spartan Race.
Sa Instagram, nag-post si Angela ng video kung saan makikita ang pagsimula niya sa karera, at ilang obstacles na nilagpasan niya.
“Conquered my first ever spartan race!!! team @merrell_ph represent! Thank you for such a solid experience Definitely one for the books,” caption niya sa kaniyang post.
Samantala, nag-post din ng short clip sa kaniyang Instagram page ang Abot-Kamay na Pangarap star na si Klea, kasama ang kaniyang girlfriend na si Katrice Kierulf. Sa video, makikitang sabay nilang tinakbo ang karera at hinarap ang obstacles.
“Conquered our first @spartanraceph with @merrell_ph See you in May? Hi @katricekierulf ” Caption ni Klea sa kaniyang post.
Sa hiwalay na post sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Klea na masaya siyang sumubok ng mga bagong bagay kasama si Katrice.
BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NA TUMAKBO RIN SA MARATHONS AT TRIATHLONS SA GALLERY NA ITO:
Nakasama pa nina Klea at Katrice ang kaniyang mga Abot-Kamay na Pangarap co-star na si John Vic De Guzman at Geneva Cruz. Nagpost siya ng ilang litrato at video kung saan makikita siyang dumadaan sa mga obstacles.
“First ever Spartan Race! Thank you for making this possible! @ajsanchezjr ” caption niya sa kaniyang post.
Ang Spartan Race ay isang leading obstacle race series kung saan bukod sa pagtakbo sa isang karera ay kailangan ding lagpasan ng mga runner ang ilang obstacles bago makapagpatuloy.