advertisement
Celebrity Life

Workout routines ng mga aktres na magsisilbing fitspiration

1 of 16

Pauleen Luna

Parte na ng lifestyle ng aktres at host na si Pauleen Luna ang pagwo-workout. Madalas ay ipinapakita niya ang kaniyang workout routines sa kaniyang Instagram account.

2 of 16

Camille Prats

Kahit busy sa kaniyang schedule, nakakahanap pa rin ang Mommy Dearest star na si Camille Prats maipasok ang kaniyang daily workout routine. Madalas din niyang nakakasabay ang asawang si VJ Yambao.

3 of 16

Sanya Lopez

Kahit nasa bahay, nagagawa pa rin mag-workout ng Pulang Araw star na si Sanya Lopez.

advertisement
4 of 16

Megan Young

Nananatiling fit and healthy pa rin ang Miss World Philippines 2013 na si Megan Young at ayon sa kaniya, ang naging goal niya noong 2023 ay makatakbo ng 10km na sinusubukan niya pa ring maabot.

5 of 16

Elle Villanueva

Bilang parte ng Sparkle 10, importante rin para sa Makiling star na si Elle Villanueva na hindi lang ang maging fit, kundi pati na rin ang maging healthy.

6 of 16

Max Collins

Malaking parte pa rin ng routine ni Max Collins ang pagwo-workout na nagpapakita lang ng kaniyang dedikasyon para maabot ang fitness goals niya.

advertisement
7 of 16

Bea Alonzo

Isang paraan ng Widow's War actress na si Bea Alonzo para manatiling fit and healthy ay ang paglalaro niya ng padel tennis.

8 of 16

Solenn Heussaff

Kahit kapapanganak lang sa kanilang ikalawang anak, bumalik na rin agad si Solenn Heussaff sa pagwo-workout na talagang naka-inspire ng marami.

9 of 16

Ina Feleo

Dedicated rin ang aktres na si Ina Feleo na panatilihin ang sarili na fit at healthy. Bukod kasi sa kaniyang workout routines, meron din siyang sinusundan na healthy recipes ng pagkain at nagyo-yoga.

advertisement
10 of 16

Roxie Smith

Kahit nasa ibang bansa, patuloy pa rin ang Sparkada member na si Roxie Smith sa kaniyang fitness routine habang nakikinig ng music.

11 of 16

Kris Bernal

Bago pa mabuntis sa kanilang first baby ay name-maintain na ni Starstruck alumna na si Kris Bernal ang kaniyang fit body. Kahit pa buntis na ay nag-light workout pa rin siya para mapanatiling healthy ang sarili at si baby.

12 of 16

Valeen Montenegro

Napapanatili naman ng Love. Die. Repeat. star na si Valeen Montenegro ang kaniyang fit and healthy lifestyle sa pag-workout at pagsali sa mga fun run at Spartan Races.

advertisement
13 of 16

Ashley Ortega

Bukod sa usual na fitness routines, isang paraan ni Ashley Ortega para mapanatili ang kaniyang slim and toned figure ay ang pagsabak sa sports tulad ng ice skating at tennis.

14 of 16

Iya Villania-Arellano

Isang patunay na strong mama pa rin ang "Chika Minute" host na si Iya Villania-Arellano ay patuloy niyang pagwo-workout sa bahay habang nag-aalaga sa apat na anak nila ni Drew Arellano.

15 of 16

Pia Jauncey

Healthy diet at regular exercise naman ang sikreto ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach para manatili siyang fit and sexy.

advertisement
16 of 16

Sunshine Cruz

Isang total fitspiration si Sunshine Cruz dahil para ma-maintain ang kaniyang magandang figure, bukod sa workout sa gym ay nagbo-boxing din siya.