Celebrity Life

WATCH: Janine Gutierrez, hanga kay Mikael Daez at Megan Young

By Bea Rodriguez

 

May hinahangaan rin palang Kapuso stars ang sexy actress na si Janine Gutierrez pagdating sa kanyang fitness goals.

Apat na taon nang nagpi-Pilates ang dating Legally Blind star at naging lifestyle na raw niya ito. Ika niya, “Ginaya ko ang Tita Jackie ko kasi sa family, siya talaga ‘yung fitness buff.”

 

Nagsisilbing idolo niya rin sa pagwo-workout ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young dahil sa kanilang sipag at tiyaga sa gym.

 

Kuwento ng aktres, “Since ako lang mag-isa, hawak ko ‘yung oras ko, so time management kung paano mag-workout kahit puyat. Actually, idol ko talaga si Mikael at saka si Megan kasi sila ‘yung nakakausap ko about Pilates. They always find time to workout, as in kahit nasa bakasyon sila.”

Ibinahagi pa ng Kapuso star kung paano niya name-maintain ang kanyang fit at sexy body, “I only really diet kapag meron akong pinaghahandaang shoot or if I really need to be fit for an event or for work. Hindi mo kailangang magpakagutom or mag-crash diet.”

Video from GMA News