Celebrity Life

LOOK: Pregnant Saab Magalona wows in two-piece swimsuit

By Rowena Alcaraz

Binulaga ni Saab Magalona ang mga netizens nang mag-post ito sa kanyang social media ng isang larawan kung saan nakasuot siya ng two-piece swimsuit kung saan kitang-kita ang kanyang baby bump. Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Saab ang kanilang kambal na anak ni Jim Bacarro. Kuha ito sa bachelorette party ng kanyang kapatid na si Maxene Magalona.

 

Maraming netizens ang natuwa sa nasabing larawan ni Saab na talaga namang goals kung maituturing dahil sa blooming na aura nito.