Celebrity Life

WATCH: Maritoni Fernandez, healthy and fit at 48

By Marah Ruiz

Taong 2001 nang nagsimula ang laban ng beteranang aktres na si Maritoni Fernandez sa sakit na breast cancer. Ito daw ang nag-udyok sa kanya na ibahin ang kanyang lifestyle. 

"Treatments, changing my diet, changing the way I live, 'yung very high stress 'yung buhay ko before. I knew that I had to make major changes in my life that would make sure na hindi na babalik 'yung cancer 'pag na treat," paliwanag niya.  

Ngayon, 48 years old na siya at cancer-free for almost 20 years. 

Kapansin pansin din na hindi lang siya healthy, kundi fit pa. 

"'Yung pag-gym or pagwo-work out and pagkain ng healthy everyday, lifestyle 'yan. Hindi pang ngayon lang, pang fad para ma-hit mo 'yung certain weight mo lang," aniya.

Dahil daw ito sa hustong pangangalaga niya sa kanyang pangangatawan. 

"Kaya po ako ganito up to now, I'm almost 50 years old and I have a pretty good body considering, because I treat it well," dagdag pa niya. 

Ibinahagi ni Maritoni ang ilang functional exercises na ginagawa niya. 

Isa dito ang routine na ini-develop niya at ng kanyang personal trainer at tinatawag nilang "Maritoni's Pain."

Alamin kung paano gawin ang "Maritoni's Pain," pati na ang iba pang ehersisyo ni Maritoni sa feature sa kanya ng Pinoy MD. 

Photo by: maritoni.fernandez (IG)