WATCH: Sinon Loresca, nag-kickboxing habang naka-heels
Published On: February 20, 2018, 11:09 AM
Updated On: February 20, 2018, 11:18 AM
May bagong paandar na naman si Catwalk King Sinon Loresca sa Instagram.
Kinagigiliwan ng mga netizens ang kanyang video kung saan makikitang nagki-kickboxing siya habang suot ang kanyang seven-inch beige heels.
Saad niya, "Tag your friends who fight like this #kingofcatwalk."
Regular na nagwo-workout si Sinon para ma-maintain ang kanyang fit and sexy body. Nauna na rin niyang ipinost sa Instagram ang kanyang video kung saan tumatakbo siya sa treadmill habang suot ang kanyang thigh-high boots.