Celebrity Life

LOOK: Celebs at netizens, laglag ang panga sa kaseksihan ni Maricar de Mesa

By Aedrianne Acar

Inspirasyon ngayon ng marami ang former Villa Quintana star na si Maricar de Mesa, dahil sa loob lamang ng pitong buwan ay fit and sexy na ito matapos manganak.

#PETMALU: 42 bikini-ready nanays in showbiz

Matatandaan na noong July 2017, isinilang ng kontrabida actress ang anak niya na si Alianna Sky.

 

Makikita sa Instagram account ni Maricar ang kaniyang mga bikini photos na kuha sa Siargao Island sa Surigao del Norte. Isa sa kanyang mga binisita ay ang pamosong Naked Island.

Ilang celebrities tulad ni Mariel Padilla ang humanga sa magandang hubog ng katawan ni Mommy Maricar.

Pinuri rin ng netizens ang magaling na aktres dahil ‘tila hindi raw ito nanganak sa sobrang kaseksihan.