Celebrity Life

Topless photo ni Alden Richards, nagpakilig sa mga netizens

By Rowena Alcaraz

Binulaga ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang kanyang mga Instagram followers nang mag-post ito ngayong araw, March 30, ng kanyang topless photo kung saan kitang-kita ang magandang pangangatawan ng binata.

 

Tipid man ang caption na kalakip ng larawan ni Alden, hindi naman magkamayaw ang mga fans nito sa pag-iiwan ng mga magagandang komento sa kanyang social media account.

Silipin ang ilan sa mga comments dito:

 


Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 36,396 likes and counting ang nasabing larawan. 

Matatandaan na dati nang may topless photo ang binata para sa isang apparel endorsement kung saan ito ay umani ng 76,000 likes.