Celebrity Life

WATCH: Ciara Sotto's pole dancing maneuver in a subway train

By Rowena Alcaraz

Ginulat ni Ciara Sotto ang ibang sakay ng subway train sa Japan nang lumambitin ito sa hanging handrails habang pinapanood siya ng kapatid na si Gian, ng asawa nitong si Joy, at pati na rin ng mga anak nito. Kasama din ni Ciara ang anak niyang si Crixus sa biyahe.

Ang eksensang ito ay ibinahagi ni Senator Tito Sotto sa kanyang Instagram account. Pabirong caption niya, "Itong si Ciara di ko alam kung kanino nagmana."


Dagdag pa ng butihing senador, "Mas grabe pa ito! Papaluin ko ito pag uwi."

???????Sagot naman ni Ciara, "Hahaha Tatay! Miss youuuuuu."


Tila natuwa naman ang mga kasakay na pasahero sa train nina Ciara.  Ang isa, tila napanganga pa.

Bukod sa pagiging artista, isa din pole dance instructor si Ciara.