Celebrity Life

WATCH: Valeen Montenegro, nahikayat ang kapwa 'Bubble Gang' girls na maging fit and healthy

By Bea Rodriguez

Tila isang good influence si Pandesal Girl Valeen Montenegro. Isa kasi siya sa tinaguriang #BodyGoals sa showbiz at dahil diyan ay naging inspirasyon siya sa Bubble Gang girls na maging fit at healthy.

“'Yung inggit factor, parang it turned into something positive kasi mas mae-encourage ‘yung isa na kailangan ko din magpaganda. It’s a positive hawaan. I’m happy for them kasi they feel healthy, and they feel fit na they’re working out on their own,” kuwento ng sexy actress sa Unang Hirit.

Sa labas ng trabaho, ipinapakita nina Valeen, Arny Ross, Lovely Abella, Chariz Solomon at Ashley Rivera how to #TrainLikeaBubbleGirl.


Payo naman ni Pambansang Abs Jak Roberto na importante ang page-ehersisyo pero dapat tingnan pa rin ang inyong kinakain, “Sabi kasi nila, 70% diet [at] 30% exercise.”

“Wala naman kasing bawal. Kailangan n'yo lang, kumbaga, i-minimize ‘yung dami ng pagkain kahit six times a day ka kumain pero kaunti-kaunti lang para ‘di lumaki ‘yung tiyan mo. Tapos, siyempre, exercise. Kailangan iyan para mag-tone ‘yung muscles,” pagtatapos ng Contessa star.

Nagbahagi rin ng fitness tips sina The One That Got Away stars na sina Dennis Trillo at Lovi Poe.

Video courtesy of GMA News