Celebrity Life

WATCH: Derrick Monasterio, Kiko Estrada at David Licauco, paano na-achieve ang kanilang 6-pack abs?

By Bea Rodriguez

Gusto niyo rin ba magkaroon ng six-pack abs tulad ng ating Mega Man Best Bodies 2018 na sina Derrick Monasterio, Kiko Estrada at David Licauco?

Nag-start mag-gym si Derrick noong 17 years old pa lang siya at makalipas ng limang taon ay hinahangaan na ang kanyang matipunong pangangatawan. Kuwento niya, “I decided to continue working out for personal purposes.”

Derrick Monasterio, itinuturing na milestone sa karera ang mapabilang sa Mega Man Best Bodies

Mapili rin sa kanyang kinakain ang Inday Will Always Love You leading man, “‘Di ako nagra-rice, fast food, soda, alcohol [at] white bread. Puro whole grains [tapos umiinom ako ng] four glasses of water sa umaga para ang metabolism [ko ay] mabilis.”

For the love of his craft naman ang nagtulak kay Kiko na mag-workout at mag-diet, “I just [want to] look good in my shows, look good in my work, in my movies and my teleseryes. I just [want to] be good.”

MUST-READ: Kiko Estrada prioritizes being a serious actor than a hunky eye-candy

Ano ang sikreto ng My Guitar Princess star? “I go to the gym four times a week because I have work which requires me to be buff. [I do] a couple of push ups [and] diet.”

Mahilig naman sa sports si David hanggang napansin ang kanyang mala-model na katawan, “Before pa lang, athlete na talaga ako, so parang ‘yung mga workout ko talaga, more on pang-athlete. Hindi siya ‘yung pangpaganda ng katawan. Gusto ko kasi malakas, parang healthy and fit pa rin siyempre.”

Basketball, boxing at running ang ilan sa mga sports ng Karibal Ko Ang Aking Ina actor.

MUST-SEE: David Licauco bares six-pack abs at Mega Man's Best Bodies event