
Nasobrahan daw sa pagbubuhat sa gym si Kapuso actress Andrea Torres kaya nagkaroon siya ng injury sa kanyang spine.
Dito daw niya naintindihan ang kahalagahan ng pagpapahinga at ng paghihinay-hinay sa mga ehersiyong balak gawin.
"Lahat ng sobra, hindi okay kasi 'yun 'yung mali ko eh. Mahilig akong magbuhat. Usually, ang binibuhat ko noon, 180, 200. Ginawa ko siya araw araw. Hindi pala dapat ganoon," kuwento ni Andrea.
"Dapat talaga, papakinggan mo rin 'yung katawan mo. Kapag kailangan niyang mag-rest, ibigay mo rin sa kanya. Kasi minsan, 'di ba, kapag nagpapapayat ka, iisipin mo 'pag nagre-rest ka parang baka masayang 'yung araw na nagpe-prepare ako. But actually, minsan 'pag nag-rest ka, the more na magde-develop 'yung muscles mo, the more na gaganda 'yung katawan mo," dagdag pa niya.
Nakabalik na ngayon sa pag-eehersisyo si Andrea, salamat sa kanyang coach na si Chloe Delicano.
"Kami ng coach ko, buti na lang physical therapist siya, tinulungan niya ko na bumalik ulit sa paggy-gym. Pero nagpahinga talaga ko for a long time. Ang hirap kasi active person ako eh. Sanay ako na malakas akong kumain tapos igy-gym ko na lang siya nang malakas," paliwanag niya.
Andrea Torres, nagkaroon ng spine injury dahil sa weight lifting
Ibinahagi ni Andrea at ni Coach Chloe sa programang Pinoy MD ang ilang exercises na maaaring gawin kahit na may problema sa likuran. Panoorin dito: