Celebrity Life

EXCLUSIVE: Pauleen Luna on losing weight: 'Masaya naman ako sa weight ko ngayon'

By Aedrianne Acar

Nakakataba ng puso ayon sa celebrity mom na si Pauleen Luna na maraming naka-appreciate sa effort niya na mag-lose ng weight.

Pauleen Luna

READ: Vic Sotto reacts to viral bikini photo of Pauleen Luna

Certified viral ang bikini photos ni Pauleen nang magbakasyon siya sa Amanpulo last October 2018 kasama ang mister na si Vic Sotto.

Sa one-on-one interview ni Pauleen sa GMANetwork.com, hindi daw niya ginawa ang pagwo-work out para lang sa mga tao, kundi gusto din niya na kahit mommy na siya ay natutukan pa rin niya ang kaniyang health.

Paliwanag ni Pauleen, “Siyempre nakakatuwa but really it's not naman for others to appreciate. Siyempre masarap 'yung mommy ka, you push yourself. Tapos you were at this weight once tapos nakikita mo bumabalik ka somehow.”

Nilinaw din ng Eat Bulaga host na malayo pa siya sa dati niyang timbang, pero hindi niya pini-pressure masyado ang sarili na magpapayat.

Aniya, “I'm still not back completely but masaya naman ako sa weight ko ngayon. I don't din naman pressure myself, of course I still have to be happy in the process of losing weight and eating healthy.”

Overwhelmed din siya na marami siyang na-inspire na mommies sa kaniyang bikini photo.

“Nakakatuwa dahil nung buntis din ako at nakakakita ako noon ng mga like ito [points to Pia Guanio] napakasexy, 'yan ang back to normal di ba.”

“Nakaka-inspire din and it's nice to serve as the inspiration na nag-inspire din sa akin noon.”

Talitha candles

Ibinahagi din ni Pauleen Luna sa panayam sa kaniya ng GMANetwork.com ang naging rason bakit niya naisipan pasukin ang scented candle business.

Paliwanag ng celebrity mom, “I just realized I've spent so much on scented candles so it's a personal favorite. So naisip ko bakit hindi ako mag-business ng sarili ko, because sobrang hilig ko ng different scents.

“Tapos even abroad talagang nag-overweight 'yung maleta ko dahil sa mga kandila. Sabi ko bakit hindi na cheap, na nari-reach ng maraming tao.”

Hindi rin daw naging mahirap para sa kaniya na itayo ang kaniyang negosyo, dahil sa tulong ng mga kaibigan niya.

Wika ni Pauleen, “Well I'm glad I have a lot of connections, marami akong friends na binibilhan ko din ng candles. It wasn't that hard may siguro may mga times lang na medyo mahirap kapag like one time naubusan ng soy sa buong Pilipinas nung bumagyo. Trials lang pero hindi naman sobrang bigat.”